Powered By Blogger

Martes, Agosto 23, 2011

statue :)

http://www.youtube.com/watch?v=jAIWXD0lNxA

Every time me and my boyfriend argues before I go to sleep, I'll always be waken up in the morning by his call. And when I answer the phone, he'll be playing Statue on the Piano. :") It makes all my anger vanish. :")) Just sharing. :'))))

tag-ulan

tagulan nnmn.. tara kape po :))

Biyernes, Agosto 19, 2011

PARA SA MGA TAONG MA PRIDE :)


Ang taong pinaglalaban ang tama, may paninindigan. Ang taong pinaglalaban ang mali? Mapride lang. Ugali ng karamihan magmatigas kahit alam nating nakatirik ang punto natin sa mali? Masyado tayong takot tumanggap ng pagkakamali dahil nakakatakot mahusgahan. Pero sa process ng pagprotekta natin sa sarili nating pride, kadalasan, ang mga relationship natin ang nalalagay sa alanganin. Nanjan ang pagmamatigas ng mga anak sa magulang kahit alam nilang tama ang pinapagawa sa kanila, at ganun din ang magulang na hindi tumatanggap ng pagkakamali nila sa anak nila. Meron ding mga magkakaibigan na nagkatampuhan at nagpapatatagan dahil masyadong mataas ang pader ng pride nila para makpunta ang "sorry" sa kabilang bakuran. At syempre anjan ang mga "in a relationship", "engaged", at "married" na nagiging "its complicated" dahil pinipiling maging patience kesa maging humble... Patience sa pag-aantay na magsorry yung isa at hindi kayang maging humble sa pagtanggap ng pagkakamali. Alam mo naman kung nagiging defensive ka na lang, at wala namang nakakahiya sa pagtanggap ng pagkakamali at pagsosorry, dahil matatalinong tao lang ang kayang maka-realize na mali sila habang galit. Kung yung papel nga sa siopao na nakalimutan mong tanggalin, kinakaya mong lunukin, dahil nanghihinayang ka sa kapirasong siopao na iluluwa mo. Baket hirap na hirap kang lunukin ang pride mo kung mas importante sa kapirasong siopao ang mawawala sayo? Mas madali bang lunukin ang papel kesa sa pride? Ganito na lang... Kung alam mo nang mali ka at hindi mo kayang lumunok ng isang buong manila paper, wag ka nang papalAg.

PAELLA

"Kung may tiyaga, may nilaga."
Kung tutuusin madali lang gumawa ng nilaga. Pakuluan mo yung karne, nilaga na yan. Parang nilagang itlog (hard boiled egg). Kailangan mo pa ba ng tiyaga jan?

Eto ang tunay na produkto ng tiyaga.

"Kung may tiyaga, pay paella."

Huwebes, Agosto 18, 2011

bobo si kira sa pag-ibig:)


Maraming beses ko nang inamin na bobo ako sa pag-ibig.sa pag-ibig inaamin ko ako na ang pinakabobita ever so much. Di iilang beses ko nang sinabi na hinding-hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko sa larangan ng love and siempre pa lahat kayong mga faithful readers eh tinaasan na lang ako ng kilay. As expected, nag-back slide uli ako at muling nagsisisi. Huwag nyo akong gayahin. Heto ang mga senyales para malaman nyo na bobo ka sa pagibig.

Wala kang nakikita. Napapansin mo na ang mga pagbabago ng dyowa o syota mo. Yung dating lambing nya hindi na kasing-init. Yung patagong pagti-text nya mas nagiging malimit. Yung paghingi nya ng regalo wala nang pakundangan. Yung pagniniig nyo eh nababawasan. Yung kaliit-liitang bagay eh ikinaiirita nya. Yung pagsama sayo ay pinalitan ng pakikipagkita sa iba. Kita mo namang lahat eh pero for the sake of love, nagbubulag-bulagan ka lang. Hopeful ka pa rin na phase lang ito ng pagmamahalan. Tanga! Anong phase-phase ka dyan!? Gumising ka na ano and start investigating.

Wala kang naririnig. Ang pinakaunang nagri-react sa mga dyowang naliligaw ng landas o napapariwara ay ang mga kaibigan natin. Alam kasi ng mga dyowa natin ang mga lugar na pinupuntahan kaya mega-iwas sila dun. Hindi nila alam na nagkakalat ang mga kaibigan at kamag-anak natin na pwede silang mahuli. Kaso kahit anong sumbong na ang narinig mo hindi mo pa rin kino-confront ang mahal mo. Para sayo hearsay lang ang lahat at gusto lang kayong siraan. Eh sira ka pala eh. Sa dami ng pare-parehong kwento about sa kalokahan ng dyowa mo mula sa iba’t ibang tao, hindi na hearsay yan! Ikaw na ang heretic nyan! Wake up!

Hindi ka na nagsasalita. Dahil gusto mong peaceful ang buhay pagibig, iniiwasan mo ang masinsinang paguusap with the dyowa. Once in a while na nagtatanong ka bigla ka na lang aawayin na kesyo wala kang trust sa kanya. Na hindi ka na nagtitiwala sa mga sinasabi nya sayo. At dahil in love ka, tiklop ka agad. Pansinin mo na kapag may confrontation kayo at nabubuko mo na sya bigla na lang icha-challenge ka na maghiwalay or trial separation kayo. Tigalgal ka ever kaya nangako kang hindi mo na sya iko-confront ever. Susme, something’s brewing na! Huwag ka namang uber bobo!

Hindi ka na nagiisip. Pag ang tao in love, bobo. Period. Pag ang tao in love kahit obvious nang niloloko ng mahal nya, dededmahin ang lahat. Pag ang tao in love wala paki ito sa sakit na nararamdaman ng pagbabagong ugali ng dyowa nya. Sa tutuo lang kahit alam mo at nakikita mo na ang katarantaduhan ng syota or asawa mo, nagkikibit-balikat ka na lang para hindi na gumulo ang buhay. Eh gaga ka pala eh. Magulo na nga. Ayusin mo or tapusin mo. Use naman your kokote once in a while.

Nagawa ko ang blog post na ito kasi guilty ako neto. Tao lang, nai-in love din. Hehehehe! When will I ever learn? Not in the near future. Basta masarap ma-in love. Getting hurt is part of it.

anu ba ang tama at mali :))


anu ba ang tama? anu ba ang isang batayan para maging tama ang isang  desisyon. mahirap diba. mahirap sabihing tama ang ginagawa mu kung sa mata ng iba mali yan. minsan humihingi tau ng payo sa mga kaibigan kung anung dapat gawin, kung anung tamang desisyon pero sa pakikinig ba sa kanila nakukuha natin ang tama? 

    noon ang turo sa atin ng mga magulang natin na hindi tama ang pag sisinungalin pero ngaun, sinung makakapag sabing mali ang pagsisinungaling?

     sa mga kabataan ngaun sumesentro ang PAG-IBIG.
anu nga ba nag tama sa pag-ibig. hindi ba masarap ang bawal. sinung makakapg sabing mali ang pagigingmartir. ang pag paparaya. ang pag mahal ng kapwa nia. sinu ang tututol kung sasabihin kong walang mali kung magmamahal ka ng KAIBIGAN. 

    sinabi nilang may choices tayo. choices para gawin ang tama. matatawag mu bang tama ang isang bagay kung masasaktan ka dito. matatawag mu bang tama ang isang desisiyon kung maraming iiyak dito. kung may choices tyo bakit hindi natin piliin yun makakapag pasaya sa atin. 

    makasarili ang labas kung iisipin natin ang sarili natin.. pero kaibigan kelangan mung malaman napinanganak ka sa mundo ng mag isa, natuto kang maging makasarili para maging masaya ka.. hindi tayoginapang ng mga magulang natin para buong mundo problemahin natin. sa pagtatapos ng araw mag isa ka lang sa buhay, walang pamilya walang kaibigan. kaya dapat marunong ka. pero kaibigan MALAKI kana. kelangan alam mu na kung anu ang TAMA. 

    walang makakapagsabi kung anung tama at dapat gawin ng isang tao kung hindi ang sarili nia lang.. at hindi ko din alam kung paanu tatapusin to sa tamang paraan. basta ang alam ku tamang mag mahal ng kapwa. tamang mag magmahal ng kaibigan. tama lahat ng bagay na makakasakit sa atin kasi meron tayongnatututunan...

Plano ng Department Of Tourism na doblehin ang dami ng turistang pumapasok sa Pilipinas.


Sa ngayon daw, merong 3.5 million tourists ang pumupunta sa Pilipinas taon-taon. May mga plano daw ang DOT para padamihin at ma-doble ang dami na yan, at ang target nila ay magawa yan bago mag 2016.

Ang tagal naman ng planong yan. 2011 pa lang, kailangan ba talaga ng 5 years para magawa yan? Maganda ang goal, kaso parang ang tagal lang ng panahon na aantayin. Kung gusto nilang madoble yung mga tourist, edi doblehin nila yung mga bagay na pinupuntahan ng mga turista dito sa Pilipinas. Doblehin nila ang dami ng magagandang beach. Doblehin nila ang dami ng casino. Doblehin nila dami ng business opportunities para sa mga dayuhan. At doblehin nila ang dami ng Pinay na nakikipagkilala sa mga foreigners sa internet at umaasang pakakasalan sila ng mga yon para magkaron sila ng magandang buhay, pero bibisitahin lang naman sila dito sa Pilipinas para matikman sila. 

Harsh ba? Nakakapikon ba? 
Oo, dahil the truth hurts gago.