anu ba ang tama? anu ba ang isang batayan para maging tama ang isang desisyon. mahirap diba. mahirap sabihing tama ang ginagawa mu kung sa mata ng iba mali yan. minsan humihingi tau ng payo sa mga kaibigan kung anung dapat gawin, kung anung tamang desisyon pero sa pakikinig ba sa kanila nakukuha natin ang tama?
noon ang turo sa atin ng mga magulang natin na hindi tama ang pag sisinungalin pero ngaun, sinung makakapag sabing mali ang pagsisinungaling?
sa mga kabataan ngaun sumesentro ang PAG-IBIG.
anu nga ba nag tama sa pag-ibig. hindi ba masarap ang bawal. sinung makakapg sabing mali ang pagigingmartir. ang pag paparaya. ang pag mahal ng kapwa nia. sinu ang tututol kung sasabihin kong walang mali kung magmamahal ka ng KAIBIGAN.
sinabi nilang may choices tayo. choices para gawin ang tama. matatawag mu bang tama ang isang bagay kung masasaktan ka dito. matatawag mu bang tama ang isang desisiyon kung maraming iiyak dito. kung may choices tyo bakit hindi natin piliin yun makakapag pasaya sa atin.
makasarili ang labas kung iisipin natin ang sarili natin.. pero kaibigan kelangan mung malaman napinanganak ka sa mundo ng mag isa, natuto kang maging makasarili para maging masaya ka.. hindi tayoginapang ng mga magulang natin para buong mundo problemahin natin. sa pagtatapos ng araw mag isa ka lang sa buhay, walang pamilya walang kaibigan. kaya dapat marunong ka. pero kaibigan MALAKI kana. kelangan alam mu na kung anu ang TAMA.
walang makakapagsabi kung anung tama at dapat gawin ng isang tao kung hindi ang sarili nia lang.. at hindi ko din alam kung paanu tatapusin to sa tamang paraan. basta ang alam ku tamang mag mahal ng kapwa. tamang mag magmahal ng kaibigan. tama lahat ng bagay na makakasakit sa atin kasi meron tayongnatututunan...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento