Powered By Blogger

Huwebes, Agosto 18, 2011

fraternity :)


Ang fraternity ay kapatiran, hindi ito private government. Hindi nagiging tama ang isang pagkakamali dahil lang "ka-brod" ang nagkasala. Hindi lagi, pero mas madalas sa bihira na nagiging paangasan ang laban. Iba ang pagbibigay ng suporta sa pangungunsinti. Ang pagbibigay ng tulong sa kasamahan na inaragabyado ay may malaking pagkakaiba din sa kasamahan na tutulungan mong gumanti kahit sya ang nag-umpisa ng gulo. Sinimulan ang mga fraternity ng mga taong may marangal na simulain, kaya nakakalungkot isipin na mga baguhan pa ang mahilig magpasiklab. Minsan, umaabot pa sa pakikipaglaban na kumikitil ng buhay ang mga taong naninindigan kahit hindi naman nila alam ang ugat ng pakikipaglaban. Bukas sa argumento ang "kany-kanyang trip yan." Hindi nilalahat, dahil may mga fraternity na napamumunuan ng maayos, pero kung dadating man ang araw na maiba ang negatibong pananaw ng karamihan, yun ay kung maibabalik ang orihinal na dahilan sa pagsali sa kapatiran; para magkaron ng kinabibilangan na may parehong paniniwala sa pakikisama, at hindi para sa "proteksyon".

"Mas mabuti pang mawalan ng paninindigan, kesa manindigan ng mali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento