Powered By Blogger

Huwebes, Agosto 18, 2011

bobo si kira sa pag-ibig:)


Maraming beses ko nang inamin na bobo ako sa pag-ibig.sa pag-ibig inaamin ko ako na ang pinakabobita ever so much. Di iilang beses ko nang sinabi na hinding-hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko sa larangan ng love and siempre pa lahat kayong mga faithful readers eh tinaasan na lang ako ng kilay. As expected, nag-back slide uli ako at muling nagsisisi. Huwag nyo akong gayahin. Heto ang mga senyales para malaman nyo na bobo ka sa pagibig.

Wala kang nakikita. Napapansin mo na ang mga pagbabago ng dyowa o syota mo. Yung dating lambing nya hindi na kasing-init. Yung patagong pagti-text nya mas nagiging malimit. Yung paghingi nya ng regalo wala nang pakundangan. Yung pagniniig nyo eh nababawasan. Yung kaliit-liitang bagay eh ikinaiirita nya. Yung pagsama sayo ay pinalitan ng pakikipagkita sa iba. Kita mo namang lahat eh pero for the sake of love, nagbubulag-bulagan ka lang. Hopeful ka pa rin na phase lang ito ng pagmamahalan. Tanga! Anong phase-phase ka dyan!? Gumising ka na ano and start investigating.

Wala kang naririnig. Ang pinakaunang nagri-react sa mga dyowang naliligaw ng landas o napapariwara ay ang mga kaibigan natin. Alam kasi ng mga dyowa natin ang mga lugar na pinupuntahan kaya mega-iwas sila dun. Hindi nila alam na nagkakalat ang mga kaibigan at kamag-anak natin na pwede silang mahuli. Kaso kahit anong sumbong na ang narinig mo hindi mo pa rin kino-confront ang mahal mo. Para sayo hearsay lang ang lahat at gusto lang kayong siraan. Eh sira ka pala eh. Sa dami ng pare-parehong kwento about sa kalokahan ng dyowa mo mula sa iba’t ibang tao, hindi na hearsay yan! Ikaw na ang heretic nyan! Wake up!

Hindi ka na nagsasalita. Dahil gusto mong peaceful ang buhay pagibig, iniiwasan mo ang masinsinang paguusap with the dyowa. Once in a while na nagtatanong ka bigla ka na lang aawayin na kesyo wala kang trust sa kanya. Na hindi ka na nagtitiwala sa mga sinasabi nya sayo. At dahil in love ka, tiklop ka agad. Pansinin mo na kapag may confrontation kayo at nabubuko mo na sya bigla na lang icha-challenge ka na maghiwalay or trial separation kayo. Tigalgal ka ever kaya nangako kang hindi mo na sya iko-confront ever. Susme, something’s brewing na! Huwag ka namang uber bobo!

Hindi ka na nagiisip. Pag ang tao in love, bobo. Period. Pag ang tao in love kahit obvious nang niloloko ng mahal nya, dededmahin ang lahat. Pag ang tao in love wala paki ito sa sakit na nararamdaman ng pagbabagong ugali ng dyowa nya. Sa tutuo lang kahit alam mo at nakikita mo na ang katarantaduhan ng syota or asawa mo, nagkikibit-balikat ka na lang para hindi na gumulo ang buhay. Eh gaga ka pala eh. Magulo na nga. Ayusin mo or tapusin mo. Use naman your kokote once in a while.

Nagawa ko ang blog post na ito kasi guilty ako neto. Tao lang, nai-in love din. Hehehehe! When will I ever learn? Not in the near future. Basta masarap ma-in love. Getting hurt is part of it.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento